Nasa proseso pa ngayon sa pagtukoy kung ano ang totoong sanhi sa nangyaring pagsabog na naging sanhi ng sunog sa loob ng Camp Aquino sa Tarlac.
Ayon kay AFP Public Affairs Office (PAO) chief Col. Edgard Arevalo na kasalukuyang inaalam pa nila ang sanhi ng pagsabog.
Nilinaw ng AFP na walang nangyaring pag-atake o paglusob na ginawa ang mga kalaban lalo na ang teroristang grupo.
Binigyang- diin ni Arevalo batay sa inisyal na findings na ang insidenteng pagsabog sa loob ng Camp Aquino ay may kaugnayan sa safety issues dahil sa hindi na-obserbahan na mga precautionary measures.
Pero sa ngayon hinihintay pa ng AFP ang official report mula sa SOCO at Bureau of Fire Protection (BFP).
Natupok sa sunog ang isang unoccupied building na bahagi ng Army support command.
Napag-alaman na ang nasabing building na nasunog ay dating imbakan ng mga bala ng Philippine Army.