-- Advertisements --
Iniimbestigahan na ang sanhi ng sunog sa planta ng isa sa biodiesel producer ng Department of Energy sa Muntinlupa city na sumiklab umaga ng Lunes, Pebrero 17.
Ayon sa Muntinlupa City Fire Station, nangyari ang sunog sa Phil. Biochem Products plant sa Conception road sa Barangay Buli.
Nasa kabuung 11 fire trucks, 2 rescue vehicles at 4 na ambulansiya ang rumesponde sa insidente.
Tumagal ng mahigit 20 minuto bago tuluyang naapula ang sunog.
Nagtamo naman ng sugat mula sa sunog ang nasa 3 indibidwal.
Tinatayang nasa P1.75 million ang halaga ng ari-ariang nasira sa sunog.