-- Advertisements --

CEBU – Sasampahan ng kaso ng Sanlakas-Cebu ang lokal na pamahalaan ng Cebu City gayundin ang pribadong entity na New Sky Philippines, Inc. pagkatapos ng pinirmahang joint venture agreement para sa pagtatayo ng waste-to-energy (WTE) facility.

Hinimok ni Sanlakas-Cebu Chairman Teody Navea na labag sa batas ang layunin ng lungsod dahil hindi ito tugma at lumalabag sa Republic Act 9003 o Solid Waste Management Act.

Paliwanag ni Navea, ayon sa nabanggit na batas, kailangang ‘i-segregate’ ang mga basura, biodegradlable, non-biodegradable at recyclable, ngunit taliwas ito sa WTE dahil lahat ng basura itatambak bago ito sunugin.

Sabi nga, bukod sa paglabag sa batas, nakakasama raw ito sa kalusugan ng tao gayundin ang gastos nito ay napakataas.

Kailangan daw gamitin ng tama ang buwis ng mga tao at hindi gumastos sa pasilidad na nakakasira ng tao.

Sinabi ni Navea na ito ang kanilang paninindigan dahil matagal na nila itong ipinaglalaban.

Gayunman, tinukoy nito na walang masama sa ambisyon ni Cebu City Mayor Mike Rama na gawing mala-Singapore ang lungsod ngunit kailangang sundin nang sigurohin ng pag-unlad na hindi maaapektuhan ang mga tao at kapaligiran.