CAGAYAN DE ORO CITY – Tinukoy na ang tinawag na Santa Ana Winds o Devil Winds ang dahilan kung bakit nakaranas na malawakang wildfires ang ang Los Angeles, California,USA.
Ito ang paglalahad ng Filipino-American na si Dorothy McCoy na taga- Cagayan de Oro City na matagal na sa Amerika kung saan kabilang ang kanyang lokasyon na nanganganib abutan ng apoy.
Salaysay pa nito na ang hindi sana dapat makaranas ng ganoong uri ng panahon ang kanilang estado dahil patuloy na taglamig pa ang klima subalit madalas rin umano dumalaw ang devil winds pagsapit ng Enero.
Dagdag ni McCoy na kino-kondisyon na nila ang kanilang sarili na posibleng mailikas sa nakapaligid na convention centers ng estado dahil palapit na ang apoy sa kinalalagyan ng kabahayan nila.
Sinabi rin ng kanilang state weather bureau na tatagal pa ang Santa Ana Winds hanggang sa araw na Sabado bago ito tuluyang umalis sa teritoryo ng Los Angeles,California na kilalang mayroong pinakagandang panahon sa buong bansang Amerika.
Magugunitang sa nabanggit na estado rin matatagpuan ng maraming Hollywood celebreties naninirahan dahil sa kagandahan ng klima roon.
Nagtala na ng ilang residente na ang nasawi habang marami na umanong kabahayan,mga bangko maging mga simbahan ang natupok ng apoy at sobra 30,000 na residente na ang inilikas sa convention centers.
Napag-alaman na ang Santa Ana Winds ay nagmula sa isang malamig at dry high pressure air masses sa G reat Basin na makapagsanhi ng mga sunog.