Sinimulan na ni Santa Claus ang pag-iikot sa buong mundo ngayong bisperas ng Pasko.
Bago ang pag-alis nito sa Finland ay binati niya muna ang mga mamamayan doon at saka ito sumakay sa kaniyang sleigh.
Kasamang minomonitor ngayon ang kinaroroonan ni Santa ng North American Aerospace Defense Command (NORAD).
Unang tutunguhin ni Santa ang eastern Russia at Asia na magdiriwang nga kapaskuhan.
Mahigit 60 taon na ng sinusundan ng NORAD ang kinaroroonan ni Santa tuwing kapaskuhan.
Sinabi ni NORAD commander Terrence O’Shaughnessy, na labis silang nagagalak na tradisyon na nilang ginagawa ang nasabing pag-track kay Santa.
Nagsimula ang mission ng ahensya noong 1955 kung saan nagkaroon ng maling pagkasulat ng numero sa isang Sears store sa Colorado Springs na ran a dial Santa ad.
Imbes na numero ng Sear’s Santa hotline ay nakasulat ang numero ng Continental Air Defense Command Center o ngayon ay tinawag na NORAD.
Ilang tawag na ang natanggap ni Colonel Harry Shoup mula sa mga kabataan at hinihiling na makausap sana nila si Santa Claus.