-- Advertisements --

Nagpatupad ng total lockdown sa Santiago, Chile dahil sa mataas na kaso ng nagpositibo sa coronavirus sa loob ng 24 na oras.

Sinabi ni Health Minister Jaime Manalich, na mayroong 60 porsyento ang itinaas ng kaso sa nasabing lugar.

Umaabot na kasi sa 2,260 ang bagong infections at 12 ang namatay sa loob ng 24 na oras.

Nauna rito ilang lugar sa bansa ang niluwagan ang lockdown.