-- Advertisements --
CAUAYAN CITY- Umabot na sa 40 katao ang total Confirmed COVID-19 case sa Santiago City batay sa ipinalabas na talaan ng City Government.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan mula sa opisyal na talaang isinapubliko ng City Government nasa 40 ang total confirmed COVID 19 Case ng Santiago City pagkaraang maitala ang sunod-sunod na tatlong nagpositibo sa virus mula sa nagdaang mga araw.
34 dito ang tuluyan nang gumaling habang umabot sa 6 ang active case matapos maidagdag sina CV771, CV810 at CV1033 na nasa pangangalaga pa rin ng LGU quarantine and isolation facility.
Habang ang 3 unang active case ay Sina CV976, CV999 at CV1019 na nasa pangangalaga ng Southern Isabela Medical Center (SIMC) at patuloy pa ring ino-obserabahan.