-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Nagtala ng panibagong kaso ng COVID-19 na residente ng barangay Sinsayon, Santiago City.

Siya ay si patient CV 1744, 21 anyos na lalaki, isang pahinante na mayroong kasaysayan ng paglalakbay sa Valenzuela City.

Sumailalim sa rapid test ang pasyente dahil sa pinaiiral na panuntunan na bago makakuha ng travel pass ay kailangan munang sumailalim sa Rapid Test ang mga pahinante at truck drivers noong September 28, 2020 na positibo ang kinalabasan.

Ito ang dahilan kaya agad isinailalim sa SWAB test bilang confirmatory test ng City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) na positibo rin ang kinalabasan.

Nasa pangangalaga na ng LGU Quarantine Facility ang pasyente at nagsagawa na ng contact tracing ang CESU sa mga taong nakasalamuha ni CV 1744.

Sa Santiago City ay mayroon ng 87 confirmed COVID-19 case, 73 ang recoveries, 13 ang active cases habang isa ang nasawi.