-- Advertisements --
ROXAS CITY – Sinimulan ni Pope Francis ang unang araw na pagbisita sa Thailand sa pamamagitan ng pakikipagkita kay King Maha Vajiralongkorn, Prime Minister Prayuth Chan-o-cha at Supreme Buddhist Patriarch Somdej Phra Maha Muneewong.
Nangyari ang pagkikita ng Santo Papa at hari ng Thailand sa Amphorn Royal Palace sa Dusit Palace sa Thailand na nagsisilbibg tirahan ni King Vajiralongkorn.
Naging simboliko rin ang pagbisita ni Pope Francis dahil nagkaroon sila ng pagkakataon na mag-usap ni Supreme Buddhist Patriarch Somdej Phra Maha Muneewong sa templo ng tinaguriang historic old quarters.
Nagpaabot rin ng mensahe si Pope Francis sa mundo na tulungan ang mga inabusong mga kababaihan at mga bata kabilang na ang mga refugees sa buong mundo.