-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Pinuri ni Pope Francis ang pananampalataya ng mga Pilipino sa ginanap na makasaysayang misa sa St. Peter Basilicia sa Rome, Italy para sa sa paggunita ng ika-500 anibersaryo ng Kristiyanismo sa Pilipinas.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Father Ericson Josue na nasa Rome, Italy at isa sa mga Pilipino na dumalo sa misa para sa ika-500 years of Christianity sa Pilipinas na bagamat gumamit ng wikang Italyano sa kanya homily ang Santo Papa ay nagbigay siya ng mga dapat nating pagnilayan sa pagdiriwang ng 500 years bilang mga kristiyano.

Unang binanggit ng Santo Papa na ang anak ng Diyos na si Hesukristo ay regalo sa buong mundo, siya ang nagbigay ng kaligtasan at nakarating sa Pilipinas sa pamamagitan ng evangelization na tinanggap ng mga Pilipino.

Sinabi pa ng Santo Papa na ang Pilipinas bilang may pinakamaraming bilang ng katoliko o kristiyano ay natawag tayo bilang Evangelizer hindi lamang sa loob ng ating bansa kundi sa buong mundo.

Pinuri ng Santo Papa ang mga migrante sa Italya at sinabing ang migranteng Pilipino na habang sila ay nagtatrabaho ay kanilang inihahasik ang banal na ebanghelyo

Matapos anya ang misa ay makikitang tuwang-tuwa at sobrang saya ng mga dumalong Pilipino misa ng Santo Papa kung saan makikita ang matatamis na ngiti.

Sinabi pa ni Father Josue na matapos ang misa sa St. Peter Basilica ay lumabas ang mga Pilipino na dumalo sa Misa at maging ng mga hindi nakapasok sa loob ng simbahan ay nagtipon tipon sila sa Plaza at hinintay ang pagdungaw ng Santo Papa sa binatana ng Apostolic Palace .

Binati ang mga Pilipino at pinuri ang ating pananampalatayang Kristiyano.

Samantala, kabilang sa mga concelebrants sa ginanap na misa para sa ika-limang daan taong anibersaryo ng kristiyanismo sa Pilipinas sina Cardinal Luis Antonio Tagle, na tumatayong Prefect for the Congregation for the Evangelization of the Peoples, at Cardinal Angelo de Donatis, Vicar General of His Holiness maging ng mga piling Pari.

Sampong pari ang pinayagang makipag-concelebrates sa nasabing misa.

Dumaan anya sa scanner ang mga pumasok sa simbahan.

Sinabi pa ni Father Ericson Josue na umabot lang sa 100 ang dumalo sa Misa na binigyan ng red ticket habang ang hindi napahintulutang pumasok sa loob ay nanatli lamang sa Piazza at pinanood ang misa ng Santo Papa sa isang malaking screen.