-- Advertisements --

Isinailalim sa state of emergency ang Santorini sa Greece matapos ang pagtama ng lindol.

Nitong Huwebes kasi ng madaling araw ng tumama ang 5.2 nagnitude na lindol na siyang itinuturing na pinakamatinding lindol na tumama sa lugar.

Ayon sa Greek Civil Protection Ministry, na magiging epektibo ang nasabing state of emergency hanggang Marso 3.

Ligtas naman na nailikas ang nasa 11,000 katao mula sa isla matapos ang lindol.

Ang nasabing isla ay sikat na dinadayo ng mga turista kung saan kada taon ay hindi bababa sa 3.4 milyon na turista ang dumadayo.

Madalas na nakakaranas na pagyanig ang Santorini dahil ito ay matatagpuan sa malawakang tectonic plates ng African at Eurasian.