-- Advertisements --

Nanguna ang Pinoy group na SB19 at actress na si Sanya Lopez sa nakakuha ng parangal ng TikTok Awards 2021.

Makikita sa social media post ng TikTok Philippines na hawak nina Lopez, SB19 at actress na si Andrea Brillantes ang Top Celebrity trophy.

Pinasalamatan naman ni Sanya Lopez ang kaniyang fans at followers ng nasabing social media.

Bumuhos din ang pagbati sa kapwa nilang mga artista sa parangal ng mga nabanggit na celebrities.