CENTRAL MINDANAO – Tumagal lamang ng limang araw ang isinagawang distribusyon ng PHP5,000 cash aid mula sa Social Amelioration Progam (SAP) ng DSWD sa bayan ng Pigcawayan.
Matatandaang sinimulan ito noong Abril 21 at natapos noong Sabado, Abril 25.
Samantala ayon kay Social Welfare Officer III Danica Tasic Luciano, MSW, nasa 39 lamang sa 40 mga barangay ng Pigcawayan ang nakabenipisyo na ng SAP.
Nagsumite rin ng listahan ng kanilang benepisaryo ang natitirang barangay ng Libungan Torreta sa bayan ng Pigcawayan, Cotabato.
Dagdag pa niya na dadaan pa ito sa validation process ng DSWD-12.
Nilinaw rin nito na inaasahang maihahatid sa mga benepisaryo ng nabanggit na barangay ang cash aid mula sa pamahalaan ngayong linggo.
Tumanggap sila ng walk-in SAP applicants sa kanilang opisina.
Sa kabuuan, abot sa 10, 423 ang magiging benepisyaryo ng Social Amelioration Program ng Department of Social Welfare and Development mula sa 40 barangays sa bayan ng Pigcawayan.
Labis naman ang pasasalamat ni Mayor Jean Roquero at ng local government unit ng Pigcawayan kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte dahil sa emergency subsidy na ito para sa mga mahihirap at deserving beneficiaries na labis na naaapektuhan ng ipinapatupad na enchanced community quarantine sa bayan.
Patuloy naman na umaapela ang alkalde sa mga benepisaryo, na tiyakin ang supply ng pagkain, gamot at iba pang pangunahing pangangailangan ng pamilya.