Tiniyak ng Department of Energy (DOE) na may sapat na enerhiya ang gobyerno para tugunan ang posibleng epekto ng tag-init at El Niño sa power supply ng bansa.
Sa isang press briefing inamin ni Energy spokesperson Wimpy Fuentebella na may banta pa rin ng power interruption sakaling magsabay sabay ang aberya sa mga planta.
Isa na nga rito ang biglang pagnipis sa supply ng Luzon grid na patuloy na binabantayan ngayon ng National Grid Corporation of the Philippines.
Pero ayon sa DOE, nakahanda naman ang kanilang buffer stock sa kuryente na manggagaling sa Visayas grid at natitirang enerhiya ng Malaya Diesel Power Plant.
“In the instance of forced outages in the Luzon Grid, there will be an additional 350-megawatt (MW) buffer on top of the Scenario 2 projection, with 200MW “importation†coming from the Visayas Grid and 150 MW coming from the remaining Malaya Diesel Power Plant,” ayon sa Energy department.
Sa ngayon pinayuhan ng kagawaran ang mga planta hinggil sa schedule ng kanilang maintenance, gayundin ang publiko sa pagkonsumo ng kuryente.
“While there will be sufficient power throughout this summer, we continue to call on our kababayans to observe energy efficient practices, such as setting out air conditioner thermostats to 24 or 25 degrees Celcius, regardless of power supply conditions. Energy efficiency and the mindful consumption of electricity should be our way of life,” ani Energy Sec. Alfonso Cusi.