-- Advertisements --

Tiniyak ni Sen. Bong Go, Vice-Chair ng Senate Committee on Finance na magiging sapat at responsive sa pangangailangan ng mga Pilipino ang 2021 budget na nakapaloob sa General Appropriations Act na nakatakda nilang ratipikahan.

Sinabi ni Sen. Go, ang budget ay nakatutok sa pagtugon sa COVID-19 crisis, magpapasigla sa ekonomiya at para sa pagpapatuloy ng mga priority programs at proyekto ng Duterte administration.

Ayon kay Sen. Go, bilang chairman ng Senate Committee on Health and Demography, tinitiyak nitong magkakaroon ng sapat na pondo para sa pagbili ng COVID-19 vaccines, gayundin sa iba pang health-related priority items gaya ng pagsasaayos sa mga health facilities sa buong bansa.

Inihayag ng mambabatas na aasahang pagsapit ng Enero, mayroon ng bagong budget ang bansa na sapat at angkop sa pangangailangan ng mga Pilipino.

“Ira-ratify na namin sa Kongreso ang budget para pagdating ng Enero, mayroon tayong bagong budget na sapat at angkop sa pangangailangan ng mga Pilipino,” ani Sen. Go.