Binigyang diin ni National Economic and Development Authority (NEDA) chief at Socioeconomic Planning Secretary Arsenio Balisacan ang kahalagahan ng patuloy na pagbibigay ng targeted subsidies at matiyak na may sapat at abot kayang food supply sa domestic market para matulungan ang mga pamilyang Pilipino sa gitna ng inflation pressures o mabilis na pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
Ginawa ng opisyal ang naturang pahayag kasunod ng lumabas na bagong consumer price index figures para sa buwan ng Setyembre ngayong taon na humataw sa 6.95% na pinakamataas simula noong October 2018.
Ayon kay Balisacan, ang pagbilis ng inflation ay naobserbahan hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa dahil na rin sa pagbulusok ng demand sa nakalipas na taon dahil sa covid-19 pandemic, external pressures sa presyo ng mga bilihin, logistics challenges, impacts ng weather disturbances at mahinang exchange rates sa gitna ng paglakas ng halaga ng US dollar.
Iniulat din ng Philippine Statistics Authority (PSA) na nagkaroon ng mabilis na pagtaas sa presyo ng commodity sa food at non-alcoholic beverages, singil sa paupa, singil sa tubig, kuryente, pagtaas ng presyo ng gas at iba pang produktong petrolyo at sa transportasyon na may pinakamataas na kontribusyon sa mataas na inflation rate noong nakalipas na buwan.
Batid din ayon kay Balisacan ang malaking papel ng sektor ng agrikultura para mapanatiling matatag at sapat ang pagkain ng bawat pamilyang Pilipino at abot kaya ang mga panginahing bilihin.
Kung kaya’t nagbibigay ang gobyerno ng P3,000 na halaga ng fuel discounts para sa eligible farmers bilang subsudiya sa kabila ng mataas na presyo ng langis.
-- Advertisements --