DAGUPAN CITY – Oras umano para sa mga anak ang susi upang malabanan ang kontrobersiyal at mapanganib na tinaguriang “Momo challenge†sa social media.
Sa exclusive interview ng Bombo Radyo Dagupan, inihayag ni P/Capt. Rea Tacderan, tagapagsalita ng PNP Pangasinan, kapag nabibigyan ng sapat na panahon at atensyon ng mga magulang ang kani-kanilang mga anak ay mailalayo ang mga ito sa momo challenge at iba pang peligro na dulot ng social media.
Giit pa ni Tacderan, napakahalaga ng pagbibigay ng oras ng mga magulang sa kanilang anak gaanuman sila kaabala para sa kanilang mga trabaho.
Aniya, sa pamamagitan ng paglalaan sa oras, mabibigyan ng sapat na gabay ng mga magulang ang kanilang anak hinggil sa mga dapat nilang pag-ingatan.
Matatandaan ang unang namatay dahil sa momo challenge ay isang 12-anyos na batang babae mula sa bansang Argentina at isang 13 anyos na anyos na batang lalaki sa Belgium.
Habang dito naman sa Pilipinas, ang pagkamatay ng isang 11-anyos na batang lalaki ay iniuugnay dito.