-- Advertisements --

Tiniyak ni US President Joe Biden na magkakaroon ng sapat na bakuna ang 300 million mamamayan ng Amerika sa pagtatapos ng tag-init.

Ito ang kaniyang tugon sa mga pagpuna na kulang umano ang kaniyang mga plano na may kaugnayan sa pandemya.

Ang Democratic president ay nagtakda ng petsa sa pagbabalik ng normal na buhay ng mga mamamayan ng wala pang walang garantiya kung kaya niya itong maihatid.

Sa loob ng anim na araw mula sa kaniyang pag-upo sa White House, hangad ni Biden na palakasin ang pagkilos ng pamahalaang federal, estado at ng lokal na pamahalaan.

Aniya, ang tulong ay malapit na para sa mga naghihintay ng aksyon mula sa gobyerno.

Nauna nang inanunsiyo ni Biden ang pagbili ng karagdagang 200 million doses ng vaccine.

“We’re facing a historic moment in our nation’s history — one that requires bold and swift action. That’s why this week, I took historic action to deliver relief to American families and address the challenges we face,” ani Biden.