-- Advertisements --
Kampante ang national Food Authority na sapat ang volume ng bigas sa bansa, sa kabila ng nakaambang El Nino.
Batay sa datos ng ahensya, mayroong 3.3 million na sako ng palay ang nabili na ng ahensya at maaaring gamitin ito para matugunan ang anumang pangangailangan.
Mas mataas din ito kumpara sa 3.08 million na target procurement ng ahensya.
Ang kasalukuyang volume aniya ay tiyak ding madadagdagan kasabay ng pagpapatuloy ng kanilang procurement activity sa panahon ng anihan sa Setyembre at Oktubre.
Ayon sa Department of Agriculture, target nilang makabili ng kabuuang 3.64 million na metriko tonelada ng bigas bilang kabuuang imbentaryo bago matapos ang kasalukuyang taon.