-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Nagpapatuloy ang mahigpit na monitoring ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Cordillera para sa magiging epekto ng bagyong Ramon.

Tiniyak ni Neri Villanueva, public information officer ng DSWD-Cordillera na nakahanda ang mga ipagkakaloob na tulong sa mga maaapektuhan sa bagyo.

Sinabi niya na mamimigay ang DSWD ng karagdagang family food packs kung magkukulang ang mga inilalaan ng mga lokal na pamahalaan.

Aniya, namigay na ang ahensiya ng 6,500 na family food packs sa mga lalawigan sa Cordillera.

Idinagdag ni Villanueva na mayroong nakalaan na P3 million na pondo na gagamitin kung magkukulang ang mga nakahandang family food packs para sa mga maapektuhan sa pananalasa ng bagyong Ramon.