-- Advertisements --
Nananatiling sapat ang suplay ng pagkain sa bansa sa kabila ng naranasang bagyo at habagat.
Ito ang kinumpirma ng pamunuan ng Department of Agriculture sa isang pahayag.
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., hindi dapat mag-alala ang publiko dahil tulong-tulong aniya ang lahat ng sektor para matiyak ang sapat na supply ng mga agri products sa mga pamilihan.
Sakali man aniyang kapusin ng suply ay tuwing may bagyo lamang at pansamantala lang.
Sa datos ng ahensya , umabot na sa ₱107.42-million ang kabuuang halaga ng pinsala sa sektor ng agrikultura matapos na tumama ang bagyong Ferdie, Gener, Helen kabilang na ang umiral na habagat.