-- Advertisements --

BAGUIO CITY-Nais tiyakin ng Commision on Elections (Comelec)-Bangued, Abra na sapat ang suplay ng kuryente na magagamit sa Bangued, Abra sa darating na halalan.

Dahil dito, makikipag-ugnayan ang Comelec-Bangued sa Abra Electric Cooperative at National Grid Corporation of the Philippines para sa mga hakbang para matiyak na sapat ang suplay ng kuryente.

Ayon kay Atty. John Paul Martin, election officer ng Bangued, Abra, kailangang may sapat na suplay ng elektrisidad para may ilaw na magagamit ang mga botanteng hahabol sa pagboto sa oras ng alas sais ng gabi.

Posible aniya na gagamit ang Comelec ng mga lighting facilities.

Makikipag-ugnayan din ang Comelec sa mga opisyal ng barangay para may mahiram na generator at mga emergency lights sa halalan.