-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Ito ay sa kabila ng pagsusuplay ng rehiyon-12 ng buhay na baboy sa bahagi ng Luzon.

Siniguro mismo ni Department of Agriculture (DA-12) Regional Executive Director Arlan Mangelen.

Ayon kay RD Mangelen, na taliwas ito sa pinapakalat ng ilang middlemen na kinukulang na umano ang suplay ng baboy sa merkado.

Sinabi ni Mangelen na mayroon kasing ilang mapagsamantalang indibidwal o middlemen sa local market na ginagamit ang sitwasyon ngayon para makapamintaha.

Ayon kay Mangelen patunay na walang shortage sa supply ng baboy ang SOCCKSARGEN ang kakayahan pa rin ng rehiyon na mag-supply pa rin ng mula 40 thousand na buhay na baboy sa Luzon kada linggo.