-- Advertisements --
Tiniyak ng Manila Electric Company o meralco na sapat ang suplay ng kuryente sa kanilang franchise area sa panahon ng tag-init.
Ayon kay Joe Zaldarriaga, ang spokesman ng Meralco, sa kabila na rin ng pagkakatigil ng Power Supply Agreement nito sa South Premier Power Corporation o SPPC kung saan sila kumukuha ng 670 Megawatt na suplay ng kuryente.
Patuloy naman ang pagsisikap ng kumpanya na mapunuan ang iniwan ng SPPC sa pamamagitan ng paghahanap ng iba pang Power Producer bukod pa sa pagbili ng kuryente sa Wholesale Electricity Spot Market o WESM.
Samantala, bagaman sapat ang suplay ng kuryente ngayong tag-init, mas mainam pa rin kung gagawa ng pagtitipid ang publiko lalo’t inaasahang lalakas ang paggamit ng cooling devices tulad ng aircon