-- Advertisements --
Sapat ang suplay ng tubig para sa mga sambahayan sa Metro Manila at mga patubig para sa mga magsasaka sa Bulacan at Pampanga sa kasagsagan ng dry months sa kabila ng banta na El Nino sa una at ikalawang kwarter ng taon.
Ito ay matapos na umabot sa mahigit 2 meters ang water elevation sa Angat dam sa Bulacan na mas mataas sa ideal end-of-the-year level na 212 meters nitong nakalipas na araw.
Karaniwan ayon kay Manuel Lukban Jr., Bulacan disaster risk reduction and management office chief na kapag umabot sa 212 meters ang water elevation ng dam sa huling araw ng taon, magiging sapat ito para sa susunod na dry season.
Samantala ang water elevation naman sa Ipo at Bustos dam ay nasa 100.87 meters at 15.20 meters.