-- Advertisements --

Hinimok ni House Committee on Energy chairman Lord Allan Velasco ang Department of Energy (DOE) at industry players na tiyakin na mayroong sapat na supply ng kuryente sa araw ng halalan sa darating na Mayo 13 gayundin sa pagbibilang at transmission ng boto.

Ginawa ni Velasco ang naturang pahayag sa gitna ng makailang ulit na issuance ng yellow at red power alerts sa Luzon power grid.

“What the public wants is a fair, clean and honest election. If there will be power interruptions, I worry that it would compromise the results and credibility of the election,” saad ni Velasco sa isang statement.

“Our energy officials and industry players must pull all strings to allay fears and meet the public’s expectations,” dagdag pa nito.

Magmula nang magsimula ang buwan ng Abril, makailang ulit nang isinailalim sa yellow o red alert ang Luzon power grid dahil na rin sa pagbaba ng reserba ng kuryente ng mga power plants.

Ang mababang energy reserve ay nagresulta sa mga rotational brownouts sa ilang lugar sa Luzon para mapanatility ang integrity ng power system.