-- Advertisements --
CAUAYAN CITY -Patuloy ang pagmonitor ng Provincial Government ng Batanes sa bagyong Sarah sa kanilang lugar.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni PDRRM Officer Roldan Esdicul ng Batanes na walang gaanong epekto sa lalawigan ng Batanes ng nagdaang bagyong Ramon bukod sa mas pinatindi ang lamig ng panahon at sa ngayon ay pinaghahandaan nila ang epekto ng bagyong Sarah
Tiniyak niya sa na sapat din anya ang tustos ng kanilang pagkain pangunahin na sa Itbayat na nauna nang tinamaan ng lindol sa kabila na walang bumibiyaheng bangka sa loob ng limang araw dulot ng maalon na dagat na umabot sa tatlong metro ang taas.
Maging ang flight ng mga eroplano patungo sa Batanes ay nakansela sa loob ng tatlong araw.