Siniguro ng Manila Water na walang magiging problema sa suplay ng tubig sa mga ospital at paaralan sa East Zone sa pangkalahatan ng summer ngayong 2024.
Batay sa datos, aabot sa 173 public at 210 private hospital habang 916 public at 999 private schools meron ang East Zone ng National Capital Region maging sa Rizal Province.
Ayon kay Manila Water’s Corporate Communications Affairs Director Jeric Sevilla, mahalaga na maging tuloy-tuloy ang supply ng tubig lalo na’t nararanasan sa bansa ang matinding init ng panahon na dulot ng El Nino.
Samantala, naglunsad rin ang Manila Water Foundation ng Lingap Program para sa mga ospital at paaralan mula sa natukoy na lugar.
Layon ng programang ito na magsagawa ng rehabilitasyon sa mga linya ng tubig na konektado sa mga pampublikong institusyong ito.
Bukod dito, ay nagbibigay rin ang nasabing programa ng technical assistance sa kanilang internal reticulation system.
Ang mga nabanggit na institusyong ito ay pasok sa mga low-income na mga komunidad..