Tiniyak ng Department of Budget and Management (DBM) na may sapat na pondo ang pamahalaan para tugunan ang pangangailangan ng mga lugar na matinding sinalanta ng mga nagdaang malalakas na bagyo.
Sinabi ni Budget Sec. Wendel Avisado, walang dapat ipag-alala ang ating mga kababayan lalo na ang mga naapektuhan ng mga bagyong Quinta, Rolly at Ulysses.
Ayon kay Sec. Avisado, sa ngayon ay mayroon pang balanseng P6.8 billion pondo ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), maliban sa dadgdag na P10 billion na kanilang inilaan para sa iba pang pangangailangan ng mga apektadong local government units (LGUs).
Inihayag ni Sec. Avisadon na maipalalabas nila ang kailangang pondo sa loob ng linggong ito at hindi na magiging mahirap pa ang pagpapalabas nito dahil diretso na ito sa disaster risk reduction management accounts ng mga LGUs.