Naibenta sa halagang $1,472,000 o katumbas ng P74,689,280 ang sapatos ng sinasabing greatest of all time (GOAT) at NBA superstar na si Michael Jordan.
Ang sneakers na ginamit ni Jordan ay nakapagtala ng auction record para sa game-worn footwear.
Ang kombinasyon ng red-and-white shoes ay ginamit ng iconic player sa ika-limang game ng kanyang rookie season sa Chicago Bulls noong 1984.
Pagkatapos nito, ang Air Jordan ng Nike ay biglang naging sensation sa loob at labas ng court.
“The most valuable sneakers ever offered at auction — Michael Jordan’s regular season game-worn Nike Air Ships from 1984 — have just sold at $1,472,000 in our luxury sale in Las Vegas,” ayon sa auction house.
Ang tinatawag na astronomical price ay agad napataob ang record ng Nike Air Jordan na naibenta sa halagang $615,000 o katumbas naman ng P31,205,100 noong August 2020.