-- Advertisements --

Naibenta sa mahigit $152,000 sa auction ang sapatos ng namayapang si Elvis Presley.

Ang “Blue Suede Shoes” ay naibenta sa Henry Aldridge and Son auction house sa Britanya.

Unang nagsimula ang auction sa mahigit $69,600.

Nabili ng isang taga California ang nasabing sapatos.

Ang size 10 na sapatos na may tatak na “Nann-Bush” ay isinuot ni Presley sa stage noong 1950.

Suot nito habang kinanta ang mga sikat na awitin nito gaya ng “Hound Dog”, “I Want You, Need You, I Love You” sa The Steve Allen Show noong 1956.

Ang Blue Suede Shoes ay isa sa mga sikat na kanta ni Presley.