-- Advertisements --

Hinamon ni Sara Discaya at mga supporters nito si incumbent Pasig City Mayor Vico Sotto na pumirma ng isang peace covenant para sa isang patas at mapayapang halalan.

Ayon kay Discaya, pinadala na nila ang kopya ng dokumento sa opisina ni  Sotto para sa rebisyon kung meron itong nais baguhin.

Nakapaloob sa peace covenant ang kasunduan ng Friendly Political Campaign na magsisimula sa araw ng pangangampanya hanggang sa matapos ang eleksyon.

Paliwanag ni Discaya na bukod sa kanila ni Mayor Sotto makikinabang rin sa peaceful covenant ang kanilang mga suporters at mamamayan ng Pasig City para makakaiwas sa gulo,maling issue at kalituhan sa eleksyon.

Maiiwasan din umano na  masira ang dangal ng magkabilang panig at reputasyon na kanilang iniingatan.