-- Advertisements --

MANILA – Umapela si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa kanyang mga taga-suporta na ngayon pa lang ay tila ikinakampanya na silang presidential candidate para sa 2022 elections.

Sa isang panayam sinabi ng presidential daughter na naiintindihan niya ang kanyang supporters pero hindi pa raw siya handa na tumuntong sa pinaka-mataas na pwesto ng gobyerno.

“I understand where they are coming from. I too am anxious where we are going as a nation. I am always grateful that I have their trust and confidence,” ani Duterte-Carpio.

Nitong nakaraang linggo nang maglabas ng video statement ang Davao City mayor laban sa mga grupong nagfa-fundraising umano para sa kanyang kampanya.

Makailang beses nang sinabi ni “Inday” na hindi niya binabalak na tumakbo sa pagka-pangulo sa 2022 national elections.

“I am pleading to them to please allow me to run for President (in) 2034, if at that time there is something I can do to help the country. Thank you.”

Nitong Sabado nang kumalat ang ilang larawan at videos sa social media ng mga grupong namamahagi ng kalendaryo sa Quezon City at Davao de Oro.

Nakasaad sa kalendaryo ang mga katagang “Run, Sara, Run for President for 2022.”