![MARCOS CABINET PHOTOS](https://xrc.bomboradyo.com/newscenter/2022/05/MARCOS-CABINET-PHOTOS.jpg)
Lima pang mga incoming cabinet members o top officials ni President-elect Ferdinand Marcos jr. ang inanunsiyo ngayon ng kanyang spokesperson na si Atty. Trixie Angeles.
Tatayong kalihim ng Presidential Management Staff na siyang nagsisilbing “in-house think tank” ay si dating Manila Rep. Naida Angping.
Habang ang susunod na magiging Tourism secretary ay si Liloan Cebu Mayor Christina Frasco na siya namang tumatayong spokesperson ni Vice President-elect Sara Duterte-Carpio.
Una nang inamin sa Bombo Radyo ni Mayor Frasco na hindi niya maiiwan ang kanyang mga constituents lalo na at nasa ikatlo at huling termino na niya ang pagiging alkalde matapos na manalo sa katatapos lamang na halalan.
Ang mister ni Frasco na si Duke, ay reelected din bilang representative ng 5th district ng Cebu.
Samantala magiging Department of Information and Communications Technology (DICT) secretary naman ng Marcos administration si Atty. Ivan John Enrile Uy.
Ang broadcaster na si Erwin Tulfo ay na-appoint din bilang incoming DSWD secretary.
Kung maalala una nang nagkairingan sina Tulfo at kasalukuyang DSWD secretary at ret. Gen. Rolando Bautista dahil sa hindi umano ito nagpapa-interview.
Kaugnay nito, hinirang din ni Marcos si Amenah Pangandaman bilang kanyang magiging Budget secretary.
Si Pangandaman ay ang kasalukuyang Bangko Sentral ng Pilipinas assistant governor, at dati na rin siyang nagsilbing undersecretary at assistant secretary ng DBM.