-- Advertisements --
May mga napiling singer at banda na magtatanghal sa opening ceremony ng 2023 FIBA Basketball World Cup sa Philippine Arena.
Sa ginawang pagpupulong ng mga organizers na napiling magtanghal sa opening ceremony sa Agosto 25 sina Sarah Geronimo, The Dawn at Ben&Ben.
Ang nasabing pagtatanghal nila ay gaganapin bago ang laban ng Gilas Pilipinas kontra Dominican Republic.
Ito na ang pangalawang beses na nagtanghal si Sara Geronimo sa FIBA World Cup dahil kasama na siya sa draw ceremony na ginanap noong Abril.
Nauna rito ay target ng organizers na mahigitan ang bilang ng mga audience na nanood sa opening ceremony na ginanap sa Toronto noong 1994 ng talunin ng US ang Russia kung saan mayroong 32, 616 ang personal na nanood sa laban.