Nakipagpulong sina Davao City Mayor Inday Sara Duterte at Davao City Rep. Paolo Duterte sa tatlong mambabatas na nagtutunggalian para sa pagkapinuno ng mababang kapulungan ng Kongreso.
Ayon kay Paolo Duterte, naging cordial daw ang kanilang meeting kasama sina Rep. Martin Romualdez, Rep. Lord Allan Velasco, at Rep. Alan Peter Cayetano sa lungsod ng Davao kung saan tinalakay daw nila ang pag-unlad ng bansa.
Una rito, umatras na si Rep. Duterte sa kanyang plano na tumakbo bilang House Speaker.
Sa pahayag ng mambabatas, nagkausap na sila ni Pangulong Rodrigo Duterte noong gabi ng Huwebes at nagkasundong hindi pa ngayon ang tamang panahon para siya ay maging House speaker.
Ayon kay Rep. Duterte, maaari naman daw siyang makatulong sa administrasyon ng kanyang ama bilang miyembro ng Kamara.
“I have personally spoken to President Rodrigo Duterte Thursday night in Davao City regarding my plan to run for speaker of the House of Representatives. We both agreed that this will not be the right time for me to be Speaker and I can still help his administration from the House in a different capacity,” ani Rep. Duterte.
Nitong Martes nang ianunsyo ni Rep. Duterte ang kanyang planong pagsali sa speakership race.