-- Advertisements --
Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na tatakbo ang kanyang anak na si Davao Mayor Sara Duterte-Carpio bilang pangulo sa 2022 national at local elections.
Sinabi ng Pangulong Duterte na running mate ni Mayor Sara si vice-presidential candidate Senator Bong Go.
Si Go ay sinamahan mismo ng pangulo sa paghahain nito ng certificate of candidacy (CoC) kahapon sa Sofitel, Pasay City.
Pero hindi naman nasabi ng nakatatandang Duterte kung kailan maghahain ng CoC ang kanyang anak.
Kung maalala kahapon nang nag-file din si Duterte-Carpio ng kanyang CoC na tatakbong alkalde ng Davao City.
Kahapon din nang ianunsiyo ni Duterte na magreretiro na lamang siya sa politika.