-- Advertisements --
Nagsalita ang dating actress na si Sarah Abad sa usaping paghihiwalay nila ng Kamikazee frontman Jay Contreras.
Sa kaniyang Instagramp post, sinabi nito na mananatili silang magkaibigan at mabuting magulang sa kanilang dalawang anak.
Isang malaking hamon sa kanila ngayon ang bagong landas na ka nilang tatahakin.
Ipinagdarasal na lamang aniya nito ang kalakasan ng katawan para malagpasan ang mga pinagdadaanan.
Kumalat ang nasabing usapin ng hiwalayan ng dalawa ng binati ni Jay ang asawa noong Mother’s Day kung saan hindi nanghinala ang mga fans ng dalawa dahil hindi na sila nagkasama.
Taon 2009 ng ikasal ang dalawa at biniyayan sila ng dalawang anak na lalaki.