Fresh na fresh pa mula ng tanggapin ni Popstar Royalty ang Global Force Award sa Los Angeles, California, muli na namang gumawa ng kasaysayan ang singer-actress matapos itong hirangin bilang kauna-unahang Woman of the Year ng Billboard Philippines Women in Music Awards.
Sa kaniyang acceptance speech, umaasa si Geronimo na patuloy na magsusuportahan ang bawat Filipino artists sa isa’t isa upang mas maiangat pa ang kalidad ng musikang Pilipino.
Nais din ng Popstar na magkaroon pa ng diversity at versatility sa musikang Pilipino dahil ipinapakita raw nito ang kakayahan ng isang mang-aawit.
Kabilang din sa mga pinarangalan si Asia’s Songbird Regine Velasquez. Tinanggap nito ang Powerhouse award dahil sa malaking impluwensiya ng singer sa musikang Pilipino.
Ginawaran din si Asia’s Queen of Songs Pilita Corrales ng Icon award habang ipinagkaloob naman kay Moira Dela Torre ang Hitmaker award.
Personal ding tinanggap ng indie artist na si Ena Mori ang Rulebreaker award. Habang ang 8-member girl group naman na Bini ay ginawaran ng Rising Stars award.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagkaroon ng Women in Music Awards sa bansa kasabay ng pagdiriwang ng International Women’s Month.