-- Advertisements --

Ikinatuwa ng maraming fans ni Sarah Geronimo ang paglabas ng kaniyang bagong kanta na “Dati-Dati”.

Mula kasi ng ilabas nito ang nasabing kanta sa iba’t-ibang platform ay maraming mga fans nito ang namangha at ito pinag-usapan.

Ang nasabing kanta ay gawa ng mga international producers na sin Su Ganade at Dylan Graham.

Kasabay din ng paglabas nito ng kanta ay ang iba’t-ibang photoshoots.

Huling naglabas kasi ng kanta ang singer noong 2018 sa kaniyang studio album na “This 15 Me” kasabay ng kaniyang ika-15 anibersaryo sa showbiz.