Umaani ng papuri mula sa mga netizen at kapwa niya artista si Sarah Lahbati kasunod ng pahayag na wala na siyang dahilan para ikahiya ang kaniyang stretch marks.
Pahayag ito ng 28-year-old actress kasabay ng pagsapubliko sa mga bago niyang bikini photos kung saan lantad na ang mga nabanat na balat niya mula sa pagbubuntis. Taliwas ito sa mga dating disenyo ng mga isinusuot na one piece at high waist na swimsuit.
Ayon sa misis ng kilalang heatthrob na si Richard Gutierrez, totoong itinago nito ang stretch marks na kanyang “biggest insecurity” noong magbuntis at manganak.
Kasabay nito ay nag-iwan ng mensahe si Lahbati sa mga kapwa babae nito na mayroon ding insecurities, na sana ay matutunan din balang araw na tanggapin ang kinahinatnan ng katawan kapalit ng pagiging ina.
Ngayon aniya, “best tattoos” na ang kanyang turing sa mga nabanat na balat na habambuhay na paalala sa kanya na dalawang buhay ang nabuo sa sinapupunan na ngayon ay edad eight at three years old na.
“This may sound dumb to you, but I just wanna let you know that you are enough and beautiful. Cheers to all of you, women. I’m not perfect. No one is. What’s funny is it took me a while to accept that. To love me fully. To fully accept me. I’ve always been ready to give all of me for my loved ones but never poured that same cup to myself,” bahagi ng pahayag ni Lahbati.
Taong 2020 nang itinuloy na nina Sarah at Richard ang civil wedding ceremony na may limitadong bisita lamang.