Lalo pang lumakas sa nakalipas na mga oras ang bagyong Sarah na ngayon ay nasa tropical storm category na.
Ayon kay Pagasa forecaster Raymond Ordinario, huling namataan ang sentro ng sama ng panahon sa layong 640 km sa silangan ng Casiguran, Aurora.
Taglay na nito ang lakas ng hangin na 65 kph at may pagbugsong 80 kph.
Kumikilos ang TS Sarah nang pahilaga hilagang kanluran sa bilis na 20 kph.
Dahil dito, nakataas na ang tropical cyclone wind signal number one (1) sa mga sumusunod na lugar:
Eastern portion ng Cagayan (Calayan, Aparri, Baggao, Alcala, Gattaran, Lal-lo, Tuguegarao City, Penablanca, Iguig, Amulung, Santa Teresita, Camalaniugan, Santa Ana, Gonzaga, Buguey, Ballesteros and Calayan) and northeastern portion of Isabela (Divilacan, Tumauini, Cabagan, Maconacon at San Pablo).
Samantala, patuloy naman ang paghina ng bagyong Ramon.
Huli itong namataan sa Roxas, Isabela.
Kumikilos iyon nang patimog timog kanluran sa bilis na 20 kph.
Taglay na lamang nito ang lakas ng hangin na 55 kph at may pagbugsong 90 kph.
Nakataas pa rin ang signal number one (1) sa mga sumusunod na lugar.
Batanes, Cagayan kabilang ang Babuyan Islands, Apayao, Kalinga, Abra, Ilocos Norte at Ilocos Sur, gayundin sa western portion ng Isabela (Quezon, Mallig, Quirino, Roxas, San Manuel, Burgos, Aurora, Reina Mercedes, Luna, Cabatuan, San Mateo, Cauayan, Ramon, Alicia, Angadanan, San Isidro, Santiago and Cordon), Mountain Province, Benguet, Ifugao, La Union at Pangasinan.