Magkakahalong papuri at kantyaw ang inaani ng nakababatang kapatid ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach na si Sarah.
My body, my rules. 🖕
Ito’y kaugnay sa tuluyang pag-topless ni Sarah Wurtzbach, bagama’t mistulang tatak na niya ang madalas na pag-post ng mga sexy pictures.
Sa kanyang topless photo, manipis lamang ang tapis nito sa ibabang bahagi ng kanyang katawan at tinakpan lamang niya ng kaliwang kamay ang malulusog na dibdib.
May mga nagpahayag ng paghanga sa kagandahan daw ng hubog ng katawan nito, ngunit hindi rin nawala ang pagpuna na sinasadya umanong makalikha muli ng ingay sa social media.
Kung maaalala kasi, naging kontrobersyal si Sarah sa tahasang paghayag sa publiko sa matagal nang sama ng loob sa ina nila ni Pia.
Ito’y kaugnay sa diumano’y pagbugaw sa kanyang noong 10-anyos pa lamang at hindi pa rin nagso-sorry hanggang ngayon.
Una nang nagkaayos ang sina Pia, 30, at Sarah, 28, sa pribadong paraan kung saan unang idinawit ni Sarah sa “hate posts” ang kanyang ate at naungkat ang isyu sa pera.
Sa panig ng kanilang ina, naniniwala aniya siya na mayroon lang postpartum depression ang anak na karaniwang dinaranas pagkatapos manganak.