DAVAO CITY – Inanunsiyo ng lokal na pamahalaan ng Sarangani, Davao Occidental na may naitalang kaso ng African Swine Fever (ASF) sa kanilang munisipyo.
Patungkol ito sa sinasabing nagpalabas agad ng Executive Order Number 26 series of 2021 ang Sarangani LGU kung saan ipinagbabawal ang pagsasagawa, paglabas, pagbiyahe at pagtitinda ng mga buhay na baboy, karneng baboy at mga produkto nito gaya na lamang ng mga tocino, chorizo at marami pa.
Base sa kanilang ginagawang imbestigasyon, nabatid na nagmula sa Barangay Tical sa Balut Island ang sample ng mga baboy na nagpositibo sa ASF.
Agad na inutos ni Virginia Cawa ang alkalde sa nasabing lugar sa lahat ng mga nagmamay-ari ng mga babuyan kung may makitang mga sintomas ng ASF gaya na lamang ng panghihina o pagkakasakit ng mga alagang baboy agad itong ipagbigay alam sa Municipal Agricultural Office.
Bago pa man ang kumpirmasyon sa pagpasok ng ASF sa Sarangani Island, matagal na umanong problema sa ibang mga lugar sa Davao Region ang nasabing sakit na nakaapekto sa pork industry at revenue sa rehiyon mula ng kumalat ang nasabing hog virus sa nakaraang taon sa ilang bahagi ng Davao region.