-- Advertisements --
Niyanig ng magnitude 5.1 na lindol ang lungsod ng Sarangani pasado 3:20 am ng madaling araw kanina ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology.
Sa inilabas na impormasyon ng ahensya, natukoy ang sentro ng pagyanig 280 kilometers southeast ng Sarangani Island na mayroong lalim na 149 kilometers.
Una ng naglabas ng ulat ang Phivolcs tungkol sa naturang pagyanig.
Sinabi nito na umabot sa 5.3 magnitude ang naturang lindol ngunit kalaunan ay ibinaba rin ito.
Paliwanag ng state weather bureau , asahan na ang mga aftershocks sa naturang lugar.
Samantala, naitala ang intensity 1 na pagyanig sa Malungon, at Sarangani.