-- Advertisements --
image 445

Inihayag ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na nakapagtala ito ng magnitude 6.6 na lindol ang timog-silangan ng Sarangani Island, Davao Occidental.

Ayon sa ulat nito, na ang tectonic ang pinagmulan ng lindol, ay nangyari sa labas ng pampang dakong 4:02 ng umaga, na may lalim na focus na 114 kilometers.

Intensity II ang naiulat sa Glan at Kiamba sa Sarangani province, at sa Tupi sa South Cotabato

Intensity I naman ang naramdaman sa Don Marcelino, Davao Occidental; Maitum at Malapatan sa lalawigan ng Sarangani; Koronadal City at General Santos City sa South Cotabato.

Una na rito, sinabi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) walang inaasahang aftershocks o pinsala mula sa nasbing lindol.