NAGA CITY – Ikinababahala ngayon ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council ng bayan ng Malungon, Sarangani ang posibleng pagtama ng magnitude 7 na lindol sakaling gumalaw ang fault line sa kanilang lugar.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay MDRRMO Head Jessie Dela Cruz, sinabi nitong naghahanda na ang kanilang tanggapan kasama ang lokal na pamahalaan ng Malungon sa paghanap ng mga pwedeng magamit na evacuation center, makokonsumong tubig at pagkain sakaling mangyari ang sakuna.
Ayon kay, kay Dela Cruz dahil sa sunod-sunod na pagyanig sa lugar, hindi nila maiwasang pangamba sa posibilidad na gumalaw ang faultline sa kanilang lugar na pwedeng magresulta sa mas malakas na lindol.
Ngunit sa ngayon hinihintay pa nila ang kumpirmasyon ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) hinggil sa naturang report.
Una rito, kinumpirma ni Dela Cruz na maliban sa mga pagyanig nakakaranas na rin ng flashflood ang ilang barangay sa naturang bayan dahil sa malalakas na pag-uulan.