DAVAO CITY – Arestado ng mga otoridad ang tatlong mga lalaki na sangkot sa pagbebenta ng mga produktong hindi otorisado ng Food and Drud Administration (FDA).
Kinilala ang mga suspek na sila Johanna Miral, 35, production manager ng JS Pherlyn Marketing; Ligaya Macalos, 60; at Vanisa Mitaran, 43, pawang mga residente ng Purok 5, Lapu-lapu, Agdao, Davao City.
Inihayag ni PMaj. Milgrace Driz, head ng Criminal Investigation and Detection Group-Davao City Field Unit, nadakip ang mga suspek sa inilunsad na joint operation ng CIDG, Sta. Ana Police Station at FDA sa Barangay Lapu-lapu, Agdao matapos makatanggap ng impormasyon ang kanilang opisina.
Kaagad na inilunsad ng CIDG ang kanilang flagship project na tinatawag na “Oplan Olea” sa Davao Farm, Purok 8, IKP Brgy Lapu-lapu, Agdao bitibit ang tatlong search warrant laban kay Christopher Tan ang nagmamay-ari ng naturang bodega, pero wala umano ito sa naturang lugar at tanging kanyang tatlong tauhan lamang ang nadatnan.
Nakumpiska ng mga otoridad ang sari-saring mga produkto na walang kaukulang permit mula sa FDA na kinabibilangan ng mga alcohol, baby oil, mga liniment oil, sabon at marami pang iba.
Sa ngayon, pinaghahanap na ang naturang negosyante habang sinampahan naman ang tatlong mga taugan nito ng kasong paglabag sa Republic Act 9711 o Food and Drugs Administration Act of 2009.