-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Hinihintay ngayon ng Sarangani Police Provincial Office ang report mula sa Alabel Municipal Police Station ukol sa insidenteng nabaril ng isang pulis ang kaniyang sarili.

Kinilala ni Police Captain Jonie Tan Ocampo, Deputy Chief of Police sa nasabing istasyon ang naturang pulis na si Police Chief Master Sergeant Jet Carillo Voluntarioso, 43 taong gulang.

Batay sa imbestigasyon, aksidente umanong nahulog ang issued firearm nito na 9mm pistol na nakasukbit sa kaniyang baywang ng kanya itong kinuha habang nasa comfort room.

Dahil dito ay tinamaan ito sa kaniyang maselang bahagi ng kaniyang katawan kayat agad na isinugod sa pagamutan.

Ngunit sa ngayon ay nasa maayos na kalagayan na si Voluntarioso.