-- Advertisements --

KALIBO, Aklan—Muling napatunayan ang kolaborasyon ng komunidad at mga awtoridad matapos ang matagumpay na selebrasyon ng sariling bersyon ng Ati-Atihan Festival sa isla it Boracay matapos na walang naitala na major crime incident sa kabuuan ng okasyon.

Ayon kay Kathrine Licerio, tagapagsalita ng Malay Tourism Office, ang annual Sto. Niño Celebration 2025 na may temang “Pilgrims of Hope, Journeying Together in Faith and Love“ ay dinaluhan ng mga dayuhang turista mula pa sa iba’t ibang bansa na nakisaya sa street dancing sa saliw ng tambol na ginanap sa long white beach.

Nasa 34 na mga grupo at tribu ang nagpakitang gilas sa beach dancing at sadsad panaad na lumahok sa iba’t ibang kategorya.

Ang nasabing selebrasyon sa isla ng Boracay hay humakot ng libo-libong turista sa unang dalawang linggo ng Bagong Taon.

Samantala, ang tagumpay ng mga aktibidad at iba pang events na isinagawa ay dahil sa mahigpit at pinalakas na emergency preparedness, response, safety, security, and peacekeeping sa pangunguna ng lokal na pamahalaan ng Malay, Aklan katuwang ang Municipal Incident Management Team na inactivate ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Council (MDRRMC) at iba pang force multipliers.